Heto na naman…

Kinakabahan na naman akooooooooooooooo! Pero better naman ang kalagayan ko kung ikukumpara last year… i think?

Lalaban na naman ako sa swimming sa intrams. Oo na, wala akong background sa pagiging swimmer. Oo na, wala sa dugo namin ang player. Pero sa hindi inaasahang oportunidad na mapasali sa swimming team (kahit pang-intrams) ay maituturing ko nang isang malaking achievement or milestone sa buhay ko. Hindi ito dahil naranasa kong lumangoy sa intrams, kundi dahil nagawa kong paliitin ang mga limitasyon ko sa buhay.

Nagawa ko na ‘to last year pero kahit ata taun-taon ko ‘tong gawin, kakabahan parin ako. Ako kasi ‘yung tipong ayaw ng natatalo or nahuhuli at hindi naman sa pagiging nega ngunit realistic lang, alam kong hindi ko best field ang swimming. Kailan lang ba ako nakakalangoy? One to three times lang per year (summer vacation) at minsan lang wala pa. Sino ba naman ako para makapanalo ng bonggang bongga?

Pero pinapaalala ko sa sarili ko ang quote na tingin ko, kahit kailan, hindi ko malilimutan.

“DARE TO FAIL.”

Tama naman, hindi ba? Paano ka magkakaroon ng lakas ng loob na subukin ang isang bagay kung hindi ka handang matalo? Hindi sa lahat ng panahon, panalo. Pero paano mo malalaman na mananalo ka kung hindi mo susubukan? At kapag gin-rab mo na ang oportunidad, gawin mo ang lahat ng makakaya mo kahit hindi ka sigurado sa kalalabasan.

Kung manalo ka, hindi ba’t para kang naka-jackpot?

Kung matalo ka, masakit. Kasi nga ginawa mo ang lahat pero talo ka parin. Sayang ba ang lahat ng ginawa mo? HINDI NOH! Dahil kahit na natalo ka, may mga bagong bagay na na natutunan na pwede mong gamitin habang ika’y humihinga. Malay mo, iyon pala ang makakapagpanalo sayo sa susunod na pagkakataon.