Thoughts for the day:

  • My life is a big contradiction.
  • I want to believe that there are no right decisions. Instead, we choose and prove that it is right.
  • Guilt is a love-hate relationship with yourself.

Isang bangungot ang sabihin mong mahal mo ako.

Gusto ko talaga ang amoy ng alimuong.

Pakiramdam ko, bumabalik ako sa iba’t ibang eksena ng nakaraan, May masaya at may malulungkot pero nakakapagbigay paring ng pag-asa.

Gusto ko ang ulan dahil pagkatapos ng pagbuhos nito, magkakaroon ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan.

1st time voter.

Sa lunes, pwede na akong bumoto. Simula noong bata ako, wala na taaga akong interes sa politka. Kung pwede siguro, ‘wag na muna ako bumoto sa lunes. Pero hindi iyon dahil sa wala akong pakialam sa mangyayari sa Pilipinas.

Hindi kasi ako nagkaroon ng time para kilalanin ang mga tatakbo. Hindi ko alam ang mga plataporma at ang background nila. Mas irresponsable siguro kung boboto ako sa pahula-hula lang o ibabase ko lang sa commercials na napapanuod ko… o ‘di kaya sa mga balitang naririnig ko.

Pero kung iaayon ko ang lahat sa pahula-hula o instinct lang, sila siguro ang iboboto ko.

  • Angara
  • Hagidorn
  • Gordon
  • Hontiveros
  • Magsaysay (Guy)
  • Casino
  • Villanueva
  • Falcone
  • Zubiri
  • Pimentel
  • Penson
  • Maceda

As for our local officials, I don’t know anything about them aside from their jingles.